Mga bansa na may mataas na kaso ng COVID-19, inilabas

IBINIGAY na ng Department of Health ang listahan ng mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo na may mataas na kaso ng COVID-19 sa Bureau of Quarantine.

Ito ay upang malaman ng quarantine bureau kung sinu-sinong mga pasahero ang unang dapat isailalim sa quarantine.

Batay sa nasabing listahan, kabilang sa mga bansang may mataas ng kaso ng naturang virus ang South Korea, Singapore, Australia, China, Malaysia, Japan, Spain, Italy, France, United Kingdom, Sweden, Belgium, Germany at United States of America.

Sa ilalim naman ng memorandum ng DOH, inatasan nito ang Bureau of Quarantine na magbigay ng lingguhan update hinggil sa nasabing isyu.

Sa ngayon na ipinatutupad ang community quarantine sa Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.