Mga bansa sa Middle East at North Africa, inaasahang mas bibilis pa ang paglago ng ekonomiya

Mga bansa sa Middle East at North Africa, inaasahang mas bibilis pa ang paglago ng ekonomiya

INAASAHAN ang mas mabilis na paglago ng ekonomiya sa mga bansang nasa Middle East at North Africa.

Posibleng lumago ang ekonomiya sa rehiyon ng MENA sa higit 5 porsyento ngayong taon at mas mabagal na paglago naman sa 3 porsyento sa taong 2023.

Ito ay base sa huling update ng Washington-based lender.

Ang oil exporting countries naman sa rehiyon ay nakikinabang sa mataas na hydrocarbon prices.

Samantala, ang developing MENA oil importers naman kabilang ang Tunisia, Morocco at Egypt ay inaasahang lalago sa higit 4 na porsyento ngayong taon higit 4 na porsyento sa 2023.

Mas mababa rin ang inflation sa mga bansa sa rehiyon ng MENA sa pagitan ng Marso at Hulyo kumpara sa Estados Unidos, Europa at iba pang mga bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter