Mga bansang hindi kasali sa Russia-Ukraine issue, dapat mag-hands off – political analyst

Mga bansang hindi kasali sa Russia-Ukraine issue, dapat mag-hands off – political analyst

SANA’Y tigilan na ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagbubuyo sa Ukraine na magpa-miyembro sa kanila, kasunod ito sa pagkakaroon na ng peace talks ng Russia at Ukraine.

Sa panayam ng SMNI News, ninanais ni political analyst at Professor Clarita Carlos na mas maganda kung hindi na makisawsaw ang ibang bansa o organisasyon sa nangyayari sa Russia at Ukraine lalong-lalo na at nagsisimula na itong mag-usap.

“Sana hands off lahat ang hindi participant at huwag na ‘yung NATO magbubuyo-buyo na naman sa Ukraine na ilang beses na nilang nireject dahil ang NATO ay 30 ang members niya. Makakakuha ka ba ng 30 na votes to make Ukraine a member and it’s too late to do that dahil una pa lang talagang ini-snab na nila ‘yung Ukraine. So, kailangan talaga magkalkal ng kasaysayan ‘yung mga tao who just shoot off their mouth and make idiotic remarks,” pahayag ni Carlos.

Sang-ayon naman si Carlos sa paghahain ng aplikasyon ng Ukraine para maging myembro ng European Union (EU).

Ang EU aniya ay sumisentro sa ekonomiya at kalakalan na syang ninanais naman ng Russia.

Samantala, nakikita rin ni Carlos ang pagiging tuso ng Estados Unidos, European Union, United Kingdom at iba pa sa ipinataw na sanctions nila para sa Russia.

Ito’y dahil hindi nila isinama ang pagpapahinto ng energy flow.

“In-exclude ‘yung tungkol sa energy flow from Russia kasi ‘pag sinara ng Russia ang gripo niya diyan 43 percent ng gas papunta sa Germany at other European capitals eh sino man yung manginginig? Huwag silang magtangka nyan kitang-kita naman na tuso din sila kasi in-exclude nila ‘yung energy ano sa sanction. Kasi ‘pag ginawa nila ‘yun, sila yung masasaktan,” ayon pa kay Carlos.

Sa kabilang banda, ang pagkondena ng Pilipinas sa pag-atake ng Russia sa Ukraine ay nakakaapekto sa magandang ugnayan ng bansa sa Moscow ayon kay Carlos.

Lalo pa’t nagpakita na sana ang Moscow ng kagustuhang magkaroon ng military training kasama ang Pilipinas.

Follow SMNI News on Twitter