Mga barko ng PLA Navy ng China, namataan sa gitna ng Multilateral Maritime Exercise sa pagitan ng PH, US, Australia at Canada

Mga barko ng PLA Navy ng China, namataan sa gitna ng Multilateral Maritime Exercise sa pagitan ng PH, US, Australia at Canada

KAPANSIN-pansin ang presensiya at pagbuntot ng mga barko ng China sa gitna ng isinasagawang Multilateral Maritime Exercise sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Australia, at Canada.

Kaugnay rito, nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine Coast Guard (PCG) gayundin sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para bantayan ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Kabilang sa mga bumubuntot sa mga barko ng magkaka-alyadong bansa ay ang Wuzhou Jiangdao II class corvette, Huangshan Jiankai II class corvette, at Qujing Jiangdao II class corvette.

Gayunman, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad na sa kabila ng presensiya ng mga barko ng China ay wala naman silang naitalang anumang ilegal na aktibidad nito maliban sa kanilang panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Bagaman nagkaroon din ng pagsasanay ang mga barko ng China mula Hulyo 31 hanggang Agosto 2, sinabi ni Trinidad na ginawa ito sa labas ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

“The AFP, in coordination with the Philippine Coast Guard and other relevant agencies, will continue to monitor the situation as part of our mandate to protect our territory, sovereignty, and sovereign rights based on international law,” pahayag ni Col. Xerxes Trinidad, Chief, AFP-PAO.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble