NAGING barado ang daloy ng tubig sa kanal ng Brgy. Holy Redeemer sa Butuan City dahil sa tambak na basura.
Isa sa dahilan ng pagtambak ng basura sa nasabing lugar ay ang kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura kahit saan.
Kaya kahit konting ulan lang ay mabilis na bumabaha ang lugar kung saan ang pangunahing apektado—ang mga residenteng nakatira sa paligid nito.
Dahil dito, napili ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na pagdausan ng “Kalinisan: Tatag ng Bayan” na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang nasabing barangay.
Nakiisa rin ang iba’t ibang grupo at organisasyon sa nasabing cleanliness drive tulad ng Bureau of Fire and Protection ng Butuan pati ang AKHRO Fraternity.
Taong 2005 itinatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Sonshine Philippines Movement (SPM) upang pangalagaan ang ating Inang Kalikasan at maiwasan ang hindi inaasahang trahedya dulot ng natural disaster gaya ng landslide at flashflood.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat kay Pastor Apollo ang Brgy. Holy Redeemer sa inisyatibo nito na napili ang kanilang lugar para linisin ang tambak na mga basura.