Mga bata, nakipagsabayan sa paglilinis sa baybayin ng San Pedro Bay sa Tacloban City, Leyte

Mga bata, nakipagsabayan sa paglilinis sa baybayin ng San Pedro Bay sa Tacloban City, Leyte

ISA ang Brgy. 90, (San Jose), Tacloban City sa napiling lugar upang maisagawa ang Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni Senatorial Aspirant, Pastor Apollo C. Quiboloy na may malinaw na layuning linisin ang mga baybayin ng lungsod at palakasin ang determinasyon ng komunidad sa pagprotekta sa kapaligiran.

Pinangunahan ng Sonshine Philippines Movement (SPM) volunteers, KOJC missionaries, iba’t ibang organisasyon, kabilang ang AKMA (Ang Kaibigan ng Masa) Region 8 at daan-daang mga residente ng Brgy. 90 (San Jose), ang paglilinis sa baybayin ng San Pedro Bay sa Payapay, Tacloban City.

Mga plastik na bote, mga lambat sa pangingisda, at iba pang mga basura na naipon sa mga dalampasigan ng San Pedro Bay ang mga nakolekta ng mga volunteer.

Hindi rin naman nagpahuli ang mga bata sa paglilinis kasama ang kanilang mga magulang, na naglaan din ng kanilang oras para makiisa sa Nationwide Cleanliness Drive.

Magugunita na Nobyembre 8, 2013 ng sinalanta ang Tacloban City ng Super Typhoon Yolanda kung saan libu-libo ang nasawi at habang maraming kabahayan at gusali ang nawasak.

Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng mga volunteers na maging kaisa sa inisyatibo na ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod.

Nagpasalamat din ang head secretariat ng AKMA (Ang Kaibigan ng Masa) Kay Pastor Apollo C. Quiboloy at volunteers ng SPM at KOJC missionaries dahil napili ang kanilang lugar upang isagawa ang coastal clean-up drive na talaga namang malaking tulong para sa kanilang komunidad.

Ang sama-samang pagsisikap na ito ay hindi lamang para sa paglilinis ng baybayin at upang protektahan ang ating kapaligiran kundi upang direktang makatulong at sumuporta sa mga lokal na mangingisda sa pamamagitan ng pagtiyak ng mas malinis, mas ligtas na katubigan para sa pangingisda at pag-iingat ng buhay-dagat para sa mga susunod na henerasyon.

Sa pagtatapos ng Nationwide Cleanliness Drive na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy. Hindi lamang luminis ang naturang dalampasigan, kundi naitaguyod din nito ang diwa ng pagkakaisa na inaasahang tatatak sa mga komunidad.

 

#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble