Mga batang 10-14-taong gulang, kailangang mananatili sa bahay —Duterte

BINAGO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan nang makalabas ang mga batang 10-taong gulang pataas kasama ng mga magulang upang maiangat ang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Duterte na napilitan siyang ibalik muli ang age restriction sa mga batang may edad 10 hanggang 14 na hindi pa papayagang makalabas ng kanilang bahay.

“Just to be sure and in our desire to protect our people, I was forced to reimpose –10 to 14,” pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa age restriction.

Nilinaw naman ng pangulo na ang nasabing restriksyon ay dahil sa banta ng umiiral na bagong strain ng COVID-19 na mula sa United Kingdom.

Mananatili aniya ang restriksyon hangga’t sa panahon na maging ligtas na ang lahat dahil sa inaasahang COVID-19 vaccine.

SMNI NEWS