UPANG mabigyan ng edukasyon at pagkakataon na maitaas ang antas ng estado sa buhay at mapalawak ang kaalaman, pormal na pinasinayaan ang bagong paaralan para sa mga batang katutubong Dumagat na nakatira sa liblib na lugar.
Ang ribbon cutting ng nabanggit na paaralan ay sinaksihan ng mga lider ng katutubo na ginanap sa Sitio Mabolo, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal.
Sa nasabing aktibidad, kaisa ang mga Sangguniang Barangay ng Puray, Rodriguez, Rizal na dinaluhan din ng mga panauhing bisita mula sa 80th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Mark Antony U. Ruby.
Labis naman ang pasasalamat ng mga kabataang Dumagat sa mga taos pusong nag-handog ng nasabing proyekto at ganun din sa mga kasundaluhang patuloy na nagpapanatili ng kapayapaan sa lugar.