MAAARI nang magpa-booster shot laban sa COVID-19 ang lahat ng kabataang edad 12-17 taong gulang sa buong bansa.
Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH).
Sa abiso ng DOH, maaaring ma-avail ng immunocompromised adolescents ang booster dose matapos ang 28 araw mula nang matanggap ang primary series ng bakuna.
Habang ang mga healthy adolescent naman ay maaaring matanggap ang kanilang booster dose, 5 buwan matapos ang kanilang primary series dose.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay ipinagpaliban ng gobyerno ang pagtuturok ng unang COVID-19 booster dose para sa mga kabataang hindi immunocompromised dahil sa ilang aberya.