Mga Batang Kaharian, nagpaabot ng pasasalamat sa natanggap na regalo mula kay Pastor ACQ ngayong Pasko

Mga Batang Kaharian, nagpaabot ng pasasalamat sa natanggap na regalo mula kay Pastor ACQ ngayong Pasko

SA murang edad pa lang sa loob ng Bansang Kaharian, tinuturuan na sila ng magagandang asal, disiplina at may takot sa Diyos.

Lahat ng mga ito ay mula sa pagtuturo ng spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kaya naman hanggang sa kanilang paglaki, sa gabay ng mga magulang nito at sa ilalim ng pagtuturo ni Pastor Apollo, naging tradisyon na nito ang pagbibigay pasasalamat sa kanilang “Papang Pastor”.

Mga bata sa bansang kaharian na pinuno ng saya, galak, pag-ibig, at may malasakit sa kapwa.

Ngayong Pasko, ibinahagi ng mga batang kaharian at benepisyaryo ng Gift of Education ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kanilang mga mumunting talento sa pagsayaw bilang pasasalamat sa kabutihan nito para sa kanila.

Aba, hindi rin pala nagpahuli ang mga bata sa pagkanta sa bagong launch na Christmas Station ID ng SMNI na “Matatag na Pasko… with action pa!

Sa ilang minuto lang, dumating na rin ang oras ng pamamahagi ng mga regalo mula kay Pastor Apollo.

Aba’y walang kasing excited ang mga bata sa pagtanggap ng regalo mula kay Papang Pastor.

Lalo pang sumaya nang sabay-sabay nilang binuksan ang mga regalo na talaga namang swak sa kanilang interes at panlasa.

Masaya ring nagsalo-salo ang mga bata at nakibahagi rin sa mga palarong inihanda para sa kanila.

Sa pagtatapos ng aktibidad, lubos ang pasasalamat ng mga bata kay Pastor Apollo na nagsilbi nilang ama, guro at spiritual guide sa mga mabubuting-asal, at kaugalian na madadala nila hanggang sa kanilang paglaki.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter