ANG pagkakaroon ng sakit sa puso ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino at wala itong pinipiling edad, mapa-bata man o matanda.
Ang anak ni Ate Berna Fernandez na si Julius na 11 taong gulang ay may butas na sa puso, pero ngayong 2023 lamang ay na-operahan na ito.
Isa si Julius sa libu-libong mga bata na benepisyaryo ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos, katuwang ang Philippine Heart Center (PHC) at ang Heart Warrior Philippines Incorporated (HWPI).
Taunang ginagawa ng senadora ang pagbibigay kasiyahan sa mga batang may sakit sa puso.
Sa katunayan, namahagi ito ng regalong Pamasko sa 250 bata sa Philippine Heart Center ilang linggo bago ang Pasko.
Nais ng senador na mapalawak pa ang pagkakaroon ng Regional Specialist Center sa bansa upang hindi na mahirapan pa ang mga mahihirap na magulang na ipagamot ang kanilang mga anak mula sa probinsiya patungo sa Metro Manila.
Ayon naman kay Dr. Joel Abanilla, Executive Director ng Philippine Heart Center, mas nadaragdagan pa ang mga satellite sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao.