Mga batas upang mas mapangalagaan ang kalikasan, nais isulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Senado

Mga batas upang mas mapangalagaan ang kalikasan, nais isulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Senado

ISA sa mga pangunahing adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pangangalaga sa kalikasan. Kaya naman nais niyang pagtibayin ang mga batas na nagsusulong ng sustainable development at proteksyon sa kalikasan.

Ayon sa Environmental Performance Index ng 2024, ang Pilipinas ay nasa ika- 169 pwesto mula sa 180 bansa. Patunay ito na nahaharap ang bansa sa malalaking hamon sa kalikasan kabilang na ang polusyon, deforestation at climate change.

Bilang tugon nais paigtingin ni Pastor Apollo ang Climate Change Act sa pamamagitan ng Climate Change Adaptation and Mitigation Act upang gawing mas komprehensibo ang mga estratehiya upang matugunan ang epekto ng climate change, kabilang na ang paghahanda sa mga kalamidad.

Isa sa mga naisip ni Pastor Apollo ay ang pagtatayo ng large scales dams at reservoir upang makontrol ang pagbaha at pag-regulate ng suplay ng tubig.

“Gagawa ng large scales dam na mag-store ng mga tubig ulan sa mga rainfall, doon iistore at incase of scarcity of water, un ang gagamitin, pwedeng pang industrial, residential. part yun sa gagawin ni pastor para imitigate ang climate change and adpatation also,’’ ayon kay Atty. Kaye Laurente.

Sa ibang bansa tulad ng Singapore, nag-invest ang gobyerno sa mga komprehensibong sistema ng proteksyon laban sa pagbaha at mga coastal defense. Kasama dito ang pagbuo ng Coastal-Inland Flood Model at nature based solutions tulad ng mga sea wall at mangrove upang labanan ang pagtaas ng tubig-dagat​.

Sa Netherlands, mayroon silang advanced dike system, storm surge barriers, at flood-proof infrastructure upang maiwasan ang mga pagbaha. Ang Netherlands ay nagsusulong din ng climate-resilient urban planning, na gumagamit ng green roofs at mga surface na tumutulong mag-absorb ng tubig-ulan​.

Para naman matugunan ang problema sa waste disposal at makamit ang zero-waste, nais ni Pastor Apollo na paigtingin ang Ecological Solid Waste Management sa pamamagitan ng mas mahigpit na mga regulasyon at pagtataguyod ng Recycling Initiative.

Sa ilalim ng Waste Management Improvement Act, nais ipatupad ni Pastor Apollo ay Eco-composting receptacle.

‘’Importante po talaga sa WMIA ung pagimplement ng higher penalty for violations ng pagtatapong basura at pangalawa, to promote recycling initiatives through funding supports,’’ saad ni Atty. Kaye Laurente.

‘’Dito sa ECR sinosort yung biodegradbale no bio, recycled…kaya nagiging useful,’’ ani Laurente.

Ang mga bansa tulad ng Switzerland, Sweden at Denmark, ay ilan sa mga nangunguna sa pamamahala ng basura at pagtataguyod ng mga sustainable na solusyon upang labanan ang epekto ng climate change. Halos 100% ng kanilang basura ay nirerecyle o ini-incinerate upang gawing enerhiya. Habang ang Japan naman ay kilala sa kanilang disiplina sa waste minimization at recycling.

Pangunahing isinusulong din ni Pastor Apollo ay ang ‘’Greening and Beautification Project’’.

Sa ilalim ng proyektong ito, target na makapagtanim ng 10 milyong puno kada taon upang maprotektahan at mapalago ang mga kagubatan ng bansa. Bahagi din nito ang geotagging upang mamonitor ang paglago ng mga puno at maiwasan ang iligal na pagtotroso.

‘’Ang plano ni Pastor, 10 million trees a year kung sakaling uupo siya which is nationwide, which is kayang kaya. Hindi pa nga nakaupo si pastor bilang senador ayan po every week po ang ating tree planting pati na rin ang cleanliness drive,’’ ayon nito.

Kung track record lang ang pag-uusapan, nariyan ang exhibit ”A” ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang napakagandang Glory Mountain at Prayer Mountain sa Davao City na dati’y kalbong bundok na ngayon ay malaparaiso ang ganda dahil sa mga puno at nagagagandahang bulaklak.

Ang mga proyekto tulad ng Glory Mountain at Prayer Mountain ay bahagi ng mas malawak na pananaw ni Pastor Apollo upang ang Pilipinas ay maging isang first world country.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter