Mga bawal sa gun ban kasabay ng election period ng BSKE inilahad ng COMELEC

Mga bawal sa gun ban kasabay ng election period ng BSKE inilahad ng COMELEC

INILAHAD ng Commission on Elections (COMELEC) sa publiko ang mga parusa para sa mga lalabag sa gun ban na ipatutupad ng komisyon kasabay ng election period ng Barangay at SK Elections (BSKE).

Ang election period ay magsisimula sa Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, 2023.

Sa election period, bawal ang pagdala ng firearms outside residence o place of business at sa mga pampublikong lugar.

Bawal ang pag-hire ng body guard o security personnel.

Bawal din ang pagtratransport ng mga firearms at pampasabog kasama rito ang mga ammunition at components ng mga ito.

Ang mga lalabag, ikukulong ng hindi bababa sa isang taon pero hindi lalagpas sa 6 na taon na walang probation, permanent disqualification mula sa paghawak ng posisyon sa gobyerno, at tatangalan ito ng karapatang makapagboto.

Kung foreigner ang violator, siya ay mahahatulan ng deportation pagkatapos ang prison term.

Maari namang mag-apply para sa gun ban exemption.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter