Mga benepisyong nakuha ng dating pulis na nanutok ng baril, pinababawi na ng PNP

Mga benepisyong nakuha ng dating pulis na nanutok ng baril, pinababawi na ng PNP

INIHAHANDA na ng Philippine National Police (PNP) ang demand letter para kay Wilfredo Gonzales, isang dismissed police at dating empleyado ng Korte Suprema matapos napag-alaman na na-dismiss ito sa serbisyo dahil sa ilang kasong kinasasangkutan nito noong taong 2018.

Si Wilfredo ay isang dating pulis na nasangkot sa kontrobersiyal na road rage incident at nanutok ng baril sa isang walang kalaban-labang siklista.

Ayon sa demand letter na ito, tiniyak ng PNP Directorate for Police Service na mababawi ng ahensiya ang lahat ng retirement benefits na nakuha ng 63-anyos na si Wilfredo Gonzales, ang kontrobersiyal na dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City na nag-viral kamakailan.

Batay sa rekord, taong 2016 nang magretiro si Gonzales sa serbisyo at tumanggap ito ng buwanang pensiyon hanggang taong 2018 bago desisyunan ang dismissal order nito dahil sa ilang mga reklamo at kasong kinasasangkutan nito habang siya ay nasa serbisyo pa.

Napag-alamang, may kaso pang nakabinbin si Gonzales sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na hindi naibibigay bago ito tuluyang na-dismiss sa serbisyo noong 2018.

Dagdag pa rito, laging nairereklamo si Gonzales sa kanilang barangay sa Quirino 3-A sa Quezon City kaugnay ng diumano ay pakikipag-away at pambu-bully.

Sa ngayon, tinanggal na ito sa pinagtra-trabahuhan sa opisina ni Associate Justice Ricardo Rosario ng Korte Suprema.

Kasabay ng pagkondena ng tanggapan nito sa inasal na karahasan ni Gonzaels.

Sinuspinde rin ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ni Gonzales sa pagmamaneho sa loob ng 90-araw habang iniimbestigahan ng ahensiya ang kaso nito.

Tinanggalan na rin ng lisensiya ang baril ni Gonzales, maging ang permit to carry firearm nito  sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine National Police (PNP) firearms and explosives office kasama na rin ang pagkumpiska sa apat na baril ni Gonzales.

Diumano’y pambabastos ng mga politiko sa mga pulis sa mga pagdinig, sinagot ng hepe ng PNP

Samantala, sinagot naman ng PNP ang tila masasakit na pananalita na tinatanggap ng mga kapulisan sa Kamara at Senado sa mga pagdinig na ginagawa ng mga senador dahil sa mga kinasasangkutan nitong kontrobersiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble