Mga biktima ng sunog sa Cebu napasaya sa kabila ng naranasang trahedya

Mga biktima ng sunog sa Cebu napasaya sa kabila ng naranasang trahedya

PERSONAL na pinuntahan ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go kasama ang kaniyang ang grupo ang mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Carreta, Cebu City noong Enero 6, 2024 para mamahagi ng suporta at alamin ang kalagayan ng mga ito.

“May dala po akong tulong sa mga nasunugan pagkain, lunch nila, grocery packs, container na dinonate sa akin, mga bags, t-shirt, at iba pang kagamitan, pagkain, vitamins, face mask, dahil ito po ang pinaka basic na pangangailangan nila pag nasusunugan, at nandirito din po ang iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno,” ayon kay Sen. Christopher Go.

Hindi naman maikakaila ang kasiyahan ng mga residente matapos na matanggap ang tulong mula sa butihing senador.

 “Nakita niyo kanina, kahit nasunugan sila pero grabe makatawa. Ako tao lang din ako napapagod, sige biyahe pero kung makita ko sa aking mga kapatid na masaya sila ay nawawala ang aking pagod. Masaya po ako na napasaya ko ang aking mga kababayan dahil ang bisyo ko ay magserbisyo po sa kapwa Pilipino,” dagdag ni Go.

Nitong nakaraang buwan ng Disyembre ay personal ding pinuntahan ni Go ang mga biktima ng sunog sa Brgy. Pusok sa siyudad ng Lapu-Lapu kung saan, namahagi rin ito ng mga ayuda.

Hindi naman pinalagpas ni Go ang pagdalo sa selebrasyon ng Sinulog Festival sa Abellana Sports Complex ng lalawigan nitong Linggo, Enero 14 matapos ang pamamahagi nito ng ayuda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble