ISANG linggo bago ang araw ng Pasko, tutunguhin ng mga kinatawan ng Pyrotechnics Regulatory Board at Philippine National Police (PNP) ang ilang pamilihan ng paputok sa Bocaue Bulacan.
Alas nuebe ngayong araw ng Miyerkules tutungo ang grupo para siguruhing nakasusunod ang mga ito sa mga regulasyon, paggamit, at pagbebenta ng mga paputok.
Susuriin din kung nasusunod ba ang tamang laki at sukat ng mga paputok na hindi magdudulot ng disgrasya o epekto sa publiko at komunidad.
Nauna nang ipinaalala ng mga awtoridad na sa mga piling open spaces lamang magpaputok para maiwasan ang insidente ng sunog at maputukan nito na kadalasa’y nauuwi sa pagkaputol ng mga daliri, pagkabingi, at pagkabulag.