Mga bisita at vloggers patuloy sa pagdalaw sa tahanan ni FPRRD

Mga bisita at vloggers patuloy sa pagdalaw sa tahanan ni FPRRD

HINDI napipigilan ang pagdagsa ng mga bisita, vlogger, at volunteer sa tahanan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Doña Luisa Village, Matina, Davao City.

Ito ay sa kabila ng napapabalitang monkeypox cases sa Mindanao at ibang bahagi ng bansa.

Dahil dito, pinapatupad ang ilang mga protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol.

Bukod pa rito, nagsagawa na rin ng sanitation ng City Health Office (CHO) sa bahay ni FPRRD para safe ang lugar mula sa virus.

Matatandaan na nagpalabas nitong Linggo  ng resolusyon ang mga opisyal ng Doña Luisa  Village Homeowners Association ng pansamantalang pagbabawal sa pagtanggap ng bisita dahil sa banta ng Mpox.

Ngunit nitong Lunes ay tuloy pa rin ang pagbisita sa bahay ni FPRRD.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble