MAAARI nang pumasok sa Singapore simula August 29 ang sinumang long-term passport holders at short-term visitors edad 13 taong gulang pataas kahit hindi pa ito fully vaccinated kontra COVID-19.
Kinumpirma ito ng Ministry of Health ng bansa sabay ang pag-anunsyo na hindi na kinakailangang sasailalim sa 7-day stay home notice pagkadating sa bansa.
Hindi na rin kailangang sumailalim sa polymerase chain reaction test sa huling bahagi ng stay-home notice period.
Ang kailangan lang ipakita ng mga non-fully vaccinated travellers ayon sa health ministry ng Singapore ang negative pre-departure test sa loob ng 2 araw bago bumiyahe tungo sa bansa.
Nananatiling kinakailangan ng mga ito na bumili ng COVID-19 travel insurance na saklaw ang buong visit duration nila sa Singapore.