Mga biyaherong pauwi sa mga probinsiya ngayong Pasko, matumal pa—PITX

Mga biyaherong pauwi sa mga probinsiya ngayong Pasko, matumal pa—PITX

MATUMAL pa ang dating ng mga pasahero na pauwi sa kani-kanilang probinsiya ayon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Kakauwi lamang ng Pilipinas mula Saudi Arabia ng overseas Filipino worker (OFW) na si Ate Crissa.

Maluha-luhang ikinuwento nito ang kasabikan na makauwi sa Bicol dahil sa tatlong taon niyang hindi nakapiling ang kaniyang pamilya tuwing Pasko.

Kamakailan lamang ay bumili na ng ticket si Tatay Philip para makauwi sa kanilang bayan sa Agusan del Norte at ngayon ay iskedyul nito pauwi sa kaniyang probinsiya sa Agusan del Norte.

Tapos na aniya ang kaniyang bakasyon sa Maynila kasama ang mga apo nito, kung kaya’t nais niyang mag-Pasko sa kaniyang kinalakihang bayan.

Mangilan-ngilang pasahero din ang maagang nagsiuwian sa kanilang mga probinsiya partikular Visayas at Mindanao.

Pero, ayon kay Kuya Michael, dispatcher ng isang kompanya ng bus, matumal pa ang dating ng mga pasahero.

Ang biyaheng Bicol na karaniwang sold out ay kakaunti pa lamang ang nagpapa-reserved ng ticket.

Paliwanag ng pamunuan ng PITX na as of 11 am ng Biyernes, nasa 38,000 pa ang bilang ng mga sumasakay na pasahero.

Ito ‘yung karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.

“Inaasahan natin na around December 15 no, kasi ‘yan na ‘yung sure ako na baka bakasyon na talaga sila or part din ng Simbang Gabi ‘yun. So, marami na talagang nagta-travel by that time,” ayon kay Kolyn Calbasa, Media Relations Officer, PITX.

2.4-M pasahero na pauwi sa probinsiya, inaasahang dadagsa sa PITX simula sa Disyembre 15

Pero, inaasahan na umano ng PITX management na papalo sa 2.5-M pasahero ang dadagsa.

Gayunpaman, sinisiguro naman ni Kuya Estrelito na bilang drayber ay nasa tamang kondisyon ang kaniyang minamanehong bus maging ang kaniyang kalusugan.

Nagsasagawa rin ng regular inspection ang PITX, at drug testing sa mga drayber at konduktor upang matiyak na nasa wastong pag-iisip ang mga ito habang bumabiyahe.

Ang mas pinaigting na security measures ng PITX ay kasunod ng naging trahedya matapos mahulog sa bangin ang isang bus na ikinasawi ng maraming pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble