Mga boluntaryo sa National Clean-Up Drive ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nagbayanihan sa Carmelite, Davao City

Mga boluntaryo sa National Clean-Up Drive ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nagbayanihan sa Carmelite, Davao City

ISA na namang pagpapakita ng kapangyarihan sa pagkilos sa komunidad at ang hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kapaligiran ang ipinamalas ng mga boluntaryo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ay dahil sa kabila ng mainit na sikat ng araw sa kalsada ng Brgy. Carmelite, ay hindi natinag ang Sonshine Philippines Movement (SPM) volunteers at ilang opisyal ng barangay sa malawakang clean-up drive, sa ilalim ng tema na “Kalinisan: Tatag ng Bayan” isang inisyatibo, na pinangunahan ni Pastor Apollo.

Ang isinagawang clean-up drive ay nakatuon sa paligid ng Carmelite, Davao City na labis na naapektuhan ang pamumuhay at kalusugan ng mga residente dahil sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

Nagkakaisang nililinis ng mahigit 30 volunteers ang lugar, bitbit ang mga walis, sako at trash bags upang maibalik ang dating kaayusan at kalinisan ng lugar.

Higit 100 sako ng basura ang nakolekta ng mga volunteers. Nangangahulugan lamang na talagang naisapuso ng mga ito ang mga turo ni Pastor Apollo.

Ang kampanyang “Kalinisan: Tatag ng Bayan” ni Pastor Apollo ay isang panawagan sa pagkilos, isang paalala na ang bawat indibidwal ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng malinis at malusog na kapaligiran.

Ang tagumpay ng clean-up drive ngayon ay nagsisilbing isang malakas na testamento sa kung ano ang ating maaaring makamit sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap sa iisang layunin para sa isang mas magandang kinabukasan.

Isa rin itong inspirasyon sa isang komunidad na may pagkakaisa at pagmamalasakit sa kalikasan.

Isang malaking paghanga mula sa Brgy. Carmelite kay Pastor Apollo at sa lahat ng mga boluntaryo para sa kanilang dedikasyon sa pagsulong ng isang mas malinis at mas malusog na kapaligiran.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble