Mga botante, hinikayat na gumamit ng “iRehistro” sa Comelec website para sa pagrehistro

HINIKAYAT ngayon ng Commission on Elections o Comelec ang mga botante na magpa-rehistro na sa ahensiya lalo na ang mga magpapalipat ng lugar nang pagbobotohan na gumamit ng iRehistro.

Ito ang inihayag ni Comelec Spokesperson Director James Jimenez sa panayam ng SMNI News.

“It’s iRehistro.comelec.gov.ph on the internet and ang magagawa niyo po do’n ay fil-upon niyo ‘yong form habang nasa internet kayo. And, then all you need to do after that is you need to print it long bond paper then back to back ang printing natin. So, you print that and then dalhin niyo sa Comelec office,” ayon kay Jimenez.

Ani Jimenez, puwede ring mag- appointment ang isang botante gamit ang iRehistro at kapag natapos na ito makapag-parehistro, bumisita na lang ito sa Comelec office para kumuha ng kanyang bio-metric.

Samantala, inihayag ni Dir. James Jimenez na iba na ang kahulugan ngayon ng hybrid election.

Ayon kay Jimenez noon ang kahulugan ng hybrid election ay ang paggamit ng automated machine para sa botohan ngunit manu-mano ang bilangan.

Subalit ani Jimenez, ngayon ang hybrid election base sa Senado ay ang paggamit ng automated machine sa bilangan kasabay din ng manual counting.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.