HINDI na kailangang magparehistro muli sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga residente sa 10 barangay ng Makati na inilipat na sa hurisdiksyon ng Taguig.
Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia, ito’y dahil awtomatikong ililipat lang ng Komisyon ang database ng naturang mga botante sa Taguig.
Matatandaan na noong Hunyo nang ibasura ng Korte Suprema ang mosyon ng Makati LGU kaugnay sa agawan ng teritoryo sa Taguig City.
Kaugnay ito sa desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman noong 2021 kung saan idineklara nitong saklaw pa ng hurisdiksiyon ng Taguig ang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang na ang 10 barangay ng Makati City.