BUTUAN CITY — Hindi lamang suporta, kundi mga konkretong panawagan para sa pagbabago ang ipinaabot ng mga botante ng Butuan City kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa ginanap na Grand Campaign Rally ng PDP Laban DuterTEN slate nitong Sabado, Mayo 3.
Kasabay ng mainit na pagtanggap ng mga taga-Butuan sa kandidato, ilang residente ang nagsumite ng kanilang “request bills” — mga panukalang batas na nais nilang maisulong ni Pastor Quiboloy sa Senado kung siya ay mananalo.
Ayon kay Arvin, isa sa mga botante:
“Ang talagang gusto ko ay ang batas laban sa korapsyon. Dahil diyan kaya magulo ang ating bansa. Kaya maganda kung mawawala na ito.”
Si Ann, isang estudyante sa Butuan, ay umaasa naman sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon:
“Dapat itong pagtuunan ng pansin dahil napakahalaga nito, lalo na para sa mga bagong graduate na tunay na matatalino.”
Samantala, binigyang-diin ni Charles, isa ring residente:
“Kung pagpapalain si Pastor Quiboloy na maging senador, sana’y bigyan niya ng pansin ang LGBTQ sa Pilipinas.”
Atty. Israelito Torreon, tagapagsalita ni Pastor Quiboloy, tiniyak na makakarating sa kandidato ang mga hiling ng mga taga-Butuan, at bahagi ito ng kanyang adbokasiyang “Ayusin Natin ang Pilipinas.”
Sa isang recorded message, muling tiniyak ni Pastor Quiboloy ang kanyang plano na magsumite ng mahigit 70 panukalang batas na tututok sa:
Zero corruption
Kalusugan
Kabuhayan
Religious freedom
At iba pa pang sektor ng lipunan
“Magtatrabaho po ako tulad ng ako’y nagtrabaho sa Kingdom of Jesus Christ — zero corruption, pagpapaunlad ng mga sinasakupan ko,” aniya.
Mensahe naman ni Pastor Quiboloy sa mga botante.
‘’At para sa bansang Pilipinas, naniniwala ako na ang gabay ng Dakilang Ama ay ipagkakaloob Niya sa bansang ito lalo na gagabayan kayo na itong labing-isa o itong sampu na PDP Laban senatorial slate deretso na pa tayo,’’ dagdag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Duter10 Senatorial Candidate.