Mga Brgy. Chairman na nandadaya ng listahan, binalaan ni Mayor Isko Moreno

NAGBABALA si Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga barangay chairman na nandadaya ng listahan ng mga aabutan ng ayuda

Aniya may mga kapitan na naglilista ng 25 na pangalan na mga beneficiaries pero napupunta lang pala sa iisang pamilya.

Babala ng alkalde titiyakin niyang mananagot sa batas ang brgy. chairman na gumagawa ng kalokohan sa kasagsagan ng krisis.

Giit ng alkalde, sa panahon ngayon ay dapat maging pantay-pantay ang pagtrato sa bawat isang nagugutom.

Samantala, nagpasalamat naman ang alkalde sa Guangzhou Municipal Government sa idinonate nitong mga medical supply gaya ng mask at 2000 thermal scanners.

Today, the City of Manila received 200,000 N95 Masks, 100,000 surgical masks and 2,000 thermal scanners from Guangzhou,…

Posted by Isko Moreno Domagoso on Tuesday, 24 March 2020

Nasa 300,000 mask at 2,000 thermal scanners ang idinonate ng Guangzhou.

Agad namang ipinag-utos ni Domagoso na ibigay sa mga frontliners at barangay workers ang mga medical equipment na natanggap.

Patuloy naman ang panawagan ng alkalde sa 1.8 na manilenyo na manatiling nasa bahay para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (Covid-19).

Sa ngayon ay nasa 130 na ang positive case ng COVID-19 sa Manila City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.