DAPAT isailalim sa lie detector test ang mga testigong suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile.
Ipinahayag ito ni Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News kasunod ng pagbaliktad ng 5 testigong suspek sa Degamo murder sa kanilang unang pahayag.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay umabot na sa 5 suspek ang binawi ang kanilang naunang salaysay na itinuturo si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. at Marvin Miranda bilang masterminds ng Degamo slay case.
At idinagdag pa na tinorture lang sila ng mga pulis.
Kinilala ang mga suspek na sina Jhudiel Rivero, Romel Pattaguan, Dahniel Lora, Rogelio Antopolo Jr, at Joven Javier.
Pero iginiit naman ng Department of Justice (DOJ) na kahit bumaligtad ang naturang mga testigong suspek, may sapat pa ring ebidensiya ang DOJ para suportahan ang multiple murder, attempted, at frustrated murder na isinampa laban kay Teves.