Mga bus operator, ayaw magbiyahe kasunod ng social distancing na ipinatutupad

WALANG bus operator patungong Bicol at sa iba pang biyahe patungo ng Visayas ngayong araw ang gustong magbiyahe.

Ito ang kinumpirma ng management ng Araneta City Bus Terminal dahil naabutan ng SMNI News team na walang pasahero ni isa man at wala rin bus ang nag-aabang ng pasahero para magbiyahe patungo sa mga nabanggit na ruta.

Ayon sa ilang mga tauhan ng naturang bus terminal ito’y dahil sa krudo pa lang ay lugi na ang mga bus operator.

Kung tatalima sila sa social distancing na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa pagpigil ng pagdami ng coronavirus sa bansa.

Ayon din sa Araneta Bus Terminal ang laman ng bus patungong Bicol at iba pang probinsya sa Visayas ay nasa 45 lamang ang seating capacity.

Kung tatalima ang bus operator sa guidelines na inilabas ng Department of Transportation para sa road sector na dapat kalahati lamang ang kapasidad ng bus ang magiging laman nito ay malaking ang magiging kalugian nito.

Kahapon naiulat na may isang bus na lang ang nagbiyahe patungong Bicol dahil sa meron din daw itong special permit.

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.