Mga Chinese national na kumidnap sa kapwa Chinese arestado

Mga Chinese national na kumidnap sa kapwa Chinese arestado

ARESTADO ang limang  Chinese national na kumidnap sa kapwa nila Chinese.

Kinilala ang mga suspek na sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Hao, Qui You Bo, at Nelson Malavega na driver ng mga Intsik.

Ayon National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMajGen. Vicente Danao Jr., kinuha ng mga suspek ang isang Chino na kanilang bibiktimahin bandang 1:40PM sa Bradco Avenue corner Cuinco St, Aseana, Brgy. Tambo, Parañaque City at pilit na pinasok ang biktima sa isang Toyota Hi Ace Super Grandia van.

Nakita ng security personnel ang pangyayari kaya kaagad itong humingi ng saklolo sa mga ng substation 2 ng Parañaque City Police Station.

Agad naman umaksyon ang mga pulis kaya kaagad nahuli ang mga suspek.

Ang biktima ay isang 23-taong gulang na lalaking Chinese POGO worker.

Pinuri naman ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang matagumpay na operasyon ng mga kapulisan.

“I commend our ground operatives for immediate action on the reported kidnapping case which resulted to the arrest of these suspects,” pahayag ni Gen. Eleazar.

Ganun din ang pasasalamat ng heneral sa publiko na mabilis ang pakikipagkooperasyon sa mga kapulisan upang mabilis na maaksyon ang isang krimen o pangyayari.

At sinisiguro nito na kaisa ang kapulisan sa pagsugpo ng kriminalidad.

“At tayo ay nagpapasalamat din sa pagtawag agad ng responde ng ating komunidad para marescue ang nasabing biktima at naiwas sya sa posibleng kapahamakan sa kamay ng mga kidnappers na ito. In line of our cleanliness in the community under Intensified Cleanliness Policy, kaisa ng ating kapulisan ang komunidad na linisin at sugpuin ang kriminalidad para sa kaayusan ng ating bansa,” ayon kay Eleazar.

SMNI NEWS