Mga Chinese national na ni-raid sa pagsusugal, walang balak magsampa ng kaso vs CIDG-NCR

Mga Chinese national na ni-raid sa pagsusugal, walang balak magsampa ng kaso vs CIDG-NCR

NAGDESISYON ang 13 Chinese national na hindi sila magsasampa ng anumang kaso laban sa mga tauhan ng PNP-CIDG NCR operatives kasunod ng isinagawang raid sa kanila.

Nangyari ang raid habang nagsusugal ang mga dayuhan sa Marina Bay Tambo Parañaque City nitong March 13, 2023.

Batay sa kanilang affidavit, nilinaw ng mga dayuhan na walang iregularidad sa operasyon ng mga taga CIDG NCR, wala rin nawalang pera at mga kagamitan mula sa nasabing operasyon.

Nilinaw rin ng Chinese nationals na sinabihan sila ni PNP Deputy Chief for Administration LtGen Rhodel Sermonia na magsampa ng kaso laban sa mga pulis ngunit tinanggihan nila ito.

Pero taliwas ito sa impormasyon ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group na maraming paglabag ang nakita sa isinagawang raid ng PNP CIDG NCR dahil sa kakulangan ng pre-operations, at pagkuha ng mga ito ng mga mamamahaling relo, bag, pera at alahas ng mga biktima.

Samantala, pai-imbestigahan pa rin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kung boluntaryo nga ba ang desisyon nitong hindi pagsasampa ng kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter