Mga close contact ng OFW sa Hong Kong na nagpositibo sa UK variant, natukoy na

NATUKOY na ang mga close contact ng overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na nagpositibo sa bagong UK variant ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere.

Ayon kay Vergiere, kasalukuyan ng naka-quarantine ang mga close contact ng OFW.

Nakuhanan na rin aniya ang mga ito ng swab samples at specimen para isailalim sa genome sequencing.

Sinabi ni Vergiere na inaasahan lalabas ang resulta sa susunod na linggo.

Enero 6 nang kumpirmahin ng DOH na ang 30-anyos na babaeng Hong Kong passenger na tinamaan ng UK variant ay isang OFW mula Cagayan Valley.

Sa kabila naman ng naiulat na Filipino case sa Hong Kong, nanindigan ang DOH na wala pang kaso ng bagong COVID-19 variant sa bansa.

Binabantayang COVID-19 variant, nasa tatlo na

Tatlong bagong COVID-19 variant na ang binabantayan ngayong ng Philippine health authorities.

Ito ang ininanunsyo ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere sa virtual briefing.

Ayon kay Vergiere, bukod sa UK variant ay minomonitor din nila ang iba pang variants ng virus na natagpuan sa South Africa at Malaysia.

Sinabi ni Vergiere na magpapatuloy ang surveillance ng DOH matapos walang nakita ang Philippine Genome Center (PGC) na COVID-19 variants sa 305 samples na kanilang sinuri.

Aniya, nag-request na sila sa kanilang regional units partikular sa Visayas at Mindanao na magbigay ng mga sample na isasailalim sa genome sequencing.

Una nang kinumpirma ng DOH na ang 30-anyos na babaeng Hong Kong passenger na tinaan ng UK variant ng COVID-19 ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Cagayan Valley.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.