Mga clusters ng NDRRMC, gagamitin na rin laban sa COVID-19

GAGAMITIN na rin ang mga clusters ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para ipatupad ang National Action Plan (NAP) laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa press briefing, sinabi ni Department of Interior and Local Governmemt (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na gagamitin ng pamahalaan ang isang calamity approach sa pagtugon sa kasalukuyan public health emergency.

Ayon kay Malaya, ang Inter-Agency Task Force (I-ATF) ang policy-making body ng NAP habang ang magi-implement ng lahat ng regulasyon na manggagaling sa I-ATF ay ang NDRRMC structure.

Sinabi ni Usec. Malaya na hinihintay pa ng DILG ang guidelines ukol sa enforcement ng NAP.

Kagabi nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangungunahan ng Department of National Defense at DILG ang implementasyon ng national action plan na layong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng pangulo na ang NAP ang regular na gagawa ng report ukol sa isyu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.