Mga coach, suportado ang bubble environment format para sa PBA

Mga coach, suportado ang bubble environment format para sa PBA

SUPORTADO ng mga PBA coach ang pagkakaroon at paglalaro sa loob ng isang bubble environment gaya ng sa NBA.

Marami sa mga PBA coach ang nagsabi na sila ay umaasa na maaari pang masagip at matuloy ang 45th Season ng PBA kung makakaisip ang liga ng matinong plano at lokasyon.

Ayon kay Phoenix Coach Louie Alas, magandang ideya ang bubble format matapos na ianunsyo ni PBA Commissioner Willie Vargas na talagang kinokonsidera na ng liga ang paggaya sa ganitong format para lang maituloy ang naudlot nitong season.

Ganun din ang naging pahayag nila NLEX Coach Yeng Guiao,at TNT Katropa Coach Bong Ravena.

Sa huli ay sinabi ni Alas at Guiao na dapat gamitin ang oras na ito upang pag-aralan ang gagawing format dahil maaari din nitong maapektuhan ang mental health ng mga papasok sa bubble format.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.