Mga COVID-19 vaccine darating sa bansa ngayong Marso

Mga COVID-19 vaccine darating sa bansa ngayong Marso. Sec. Czar Vince Dizon, kinumpirma ang pagdating ng 2 milyon na COVID-19 vaccine bago matapos ang buwan ng Marso.

Kinumpirma ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na may darating na dalawang milyon na dosis na COVID-19 vaccine bago matapos ang buwan ng marso.

Mga COVID-19 vaccine ayon pa kay sec. Dizon ay isa na rito na darating ang Sinovac vaccine mula sa bansang China.

Ang 400,000 libo naman na dosis ng Sinovac ay donasyon ng China habang ang isang milyon ay binili ng gobyerno.

Bukod pa rito, inihayag din ni Dizon na may darating din na karagdagang Astrezeneca vaccine mula sa Covax facility.

Samantala, sa buwan ng Abril ay naman ay maari nang dumating ang bakunang Pfizer mula pa rin sa Coviax facility.

Ani Dizon, nasa 3.4 milyon na dosis ng COVID-19 vaccine ang gagamitin para sa healthcare workers ng bansa kung kaya’t ang mga darating na bakuna ay gagamitin pa rin para sa kanila.

SMNI NEWS