Mga COVID-19 vaccine, hindi pa rin tiyak kung kailan darating

NAGHIHINTAY pa hanggang ngayon ang pamahalaan sa pagdating ng mga Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring magsimula na sa February 15 ang pagbabakuna sa mga frontline health workers.

Kalaunan, sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na maaring ma-delay ito ng isang linggo dahil sa kawalan ng indemnification law sa bansa.

Sa ngayon may mga indemnification bills na sa Kamara para sa mga Pilipino na maaring makaranas ng adverse side effects dahil sa bakuna.

Matatandaang, nagpasa na rin ang bansa ng indemnification agreement sa Pfizer habang wala pang indemnification law sa bansa.

SMNI NEWS