Mga crew ng na-hostage na M/V Galaxy leader, napalaya na lahat ng Houthi rebels

Mga crew ng na-hostage na M/V Galaxy leader, napalaya na lahat ng Houthi rebels

NAPALAYA na nitong Enero 22, 2025 ang 25 na crew ng M/V Galaxy leader na hinuli ng Houthi rebels sa Red Sea matapos ang higit isang taon.

Kasama na rito ang 17 na Pinoy crew members.

Sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., nasa Philippine Embassy na sa Muscat, Oman ang lahat na Pinoy seafarers at inaantay na lang ang pinal na schedule ng kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Pinasalamatan naman niya ang Sultan of Oman na si His Majesty Haitham Bin Tarik dahil ito ang nagsilbing mediator para mapalaya ang mga Pinoy crew at iba pa.

Matatandaang Nobyembre 19, 2023 nang sila ay mahuli at naging hostage ng Houthi rebels.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter