Mga customer ng Maynilad, makatatanggap ng P323 bill rebate sa Abril

Mga customer ng Maynilad, makatatanggap ng P323 bill rebate sa Abril

MAAARING makatanggap ang nasa 198,315 customers ng Maynilad Water Services Inc. na apektado ng napahabang water service interruption ng bill rebate o partial refund na P323 na makikita sa kanilang mga account sa Abril.

Inanunsyo ito ng Maynilad matapos nitong multahan ng P63.9 million ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) dahil sa pagpapanukala ng water service interruptions simula December 2021 hanggang February 2022.

Ayon sa MWSS, dapat na maranasan ng mga customer ang hindi interrupted na supply ng potable water na hindi bababa sa pressure ng 7 pounds kada square inch.

 

BASAHIN: Manila Water, DENR, at MWSS, pinangunahan ang Adopt-an-Estero Program sa San Juan City

Follow SMNI News on Twitter