Mga Dabawenyo, na-insulto sa panghihimasok ni Walden Bello sa Sangguniang Panlunsod — Mayor Sara Duterte

Mga Dabawenyo, na-insulto sa panghihimasok ni Walden Bello sa Sangguniang Panlunsod — Mayor Sara Duterte

KINONDENA ni Davao City Mayor Sara Duterte ang panghihimasok ni vice presidential candidate Walden Bello sa Sangguniang Panglunsod ng Davao.

Sa kanyang Tweet, makikita na nakaupo si Bello sa silya ni Davao City Vice Mayor Baste Duterte at hawak ang gavel.

Saad ni Bello, siya raw ang nag-preside sa Davao City Council at binanggit na idineklara nitong persona non-grata ang mga taga Davao.

Ngunit, hindi ito nagustuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Liloan Cebu Mayor Christina Frasco, hayagang pang-iinsulto sa city government ang ginawa ni Bello.

Hindi lamang aniya ang city government kundi ang mga residente ng siyudad ay nainsulto sa ginawa ng vice presidential candidate.

Giit din daw ni Mayor Sara na ipinakita lamang ni Bello ang totoo niyang karakter.

“Pulling stunts like he did today by making a mockery of the revered halls of Davao City’s Sangguniang Panlungsod only serves to further insult the peace-loving people of Davao and reveal the true nature of his character,” ayon kay Frasco.

Nahaharap ngayon sa cyber libel case si Bello na isinampa ni Jeffrey Tupas na dating PIO Chief ng Davao City.

Matatandaang, sinabihan ni Bello si Tupas na isang drug dealer.

Para sa kampo ni Mayor Sara, dapat harapin ni Bello ang kanyang kaso sa halip na manira sa alkalde.

Halata raw na ‘smokescreen’ ang ginagawa ni Bello para mapagtakpan ang kanyang kaso.

“Now that Mr. Bello is being held to account before our justice system, he should be man enough to face the consequences of his own actions rather than hide behind his penchant for attacking Mayor Sara Duterte as a smokescreen for his inability to substantiate his wild claims with actual facts and evidence,” ani Frasco.

Follow SMNI News on Twitter