Mga dating CTG, nananawagan sa Kamara na palayain sina Ka Eric at Dr. Lorraine Badoy

Mga dating CTG, nananawagan sa Kamara na palayain sina Ka Eric at Dr. Lorraine Badoy

NANANAWAGAN ang grupo ng mga dating kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na palayain sina Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz at Dr. Lorraine Badoy mula sa pagkakadetine sa Kamara.

Ito’y matapos kinuwestiyon ng grupo ang ginawa sa dalawa na ‘may malaking ambag’ sa laban ng pamahalaan kontra communist terrorist groups (CTG).

Nagpapatuloy naman ang hunger strike nina Celiz at Badoy habang naka-cite-incontempt sa Mababang Kapulungan.

Anila, kung hindi mapapalaya ang dalawa ngayong Kapaskuhan, nagbabala ang dating mga kalaban ng gobyerno na lalaki pa ang kanilang protesta at posible rin itong umabot sa Malacañang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter