Mga dating DA at SRA execs, inabswelto sa Sugar Order No. 4 mess

Mga dating DA at SRA execs, inabswelto sa Sugar Order No. 4 mess

IBINASURA ng Office of the President (OP) ang mga kaso laban sa mga dating opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA) na sangkot sa sugar importation mess.

Sa 10-pahinang desisyon, sinabi ng OP na “in good faith” naman ang pag-isyu ng kontrobersyal na Sugar Order No. 4.

Naniniwala silang inakala lang ng mga respondent na awtorisado silang ilabas ang importation order dahil sa miscommunication kay noo’y Executive Secretary Vic Rodriguez.

Kabilang sa mga inabswelto sa sugar importation mess ay sina dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica, at Board Members Roland Beltran at Aurelio Valderrama, Jr.

Agosto 2022 nang payagan ng mga dating Agriculture officials ang pag-angkat ng 300,000 metric tons ng refined sugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter