Mga dating kawani ni PBBM sa Amerika, pinagdiwang ang pagbabalik ng pamilyang Marcos sa Malakanyang

Mga dating kawani ni PBBM sa Amerika, pinagdiwang ang pagbabalik ng pamilyang Marcos sa Malakanyang

ISA sa pinakamasayang nagdiwang sa kasalukuyang panunungkulan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay ang mga kawani ng pamilyang Marcos noon na ngayon ay naninirahan na sa Amerika, na nagtipon kamakailan sa California upang magpasalamat at magbigay suporta sa bagong administrasyon.

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang manumpa si President Marcos Jr, ngunit nag-uumapaw pa rin ang selebrasyon ng mga taga-suporta nito sa Amerika sa isang pagtitipon ng mga Marcos loyalist, sa California.

Kaya naman noong Sabado, isang pagtitipon ang naganap sa Lomita, California, sa pangunguna ng Juan Luna y Novia Club Internationale, isang cultural community ng mga Pilipino sa Amerika.

Emosyanal ang iilan ng sariwain ang noo’y pagkakatanggal ng dating Pangulong Marcos sa Malacañang, lalo na ng muling nailuklok ang ng ika-17 Pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Marcos Jr.

Anila, hindi man sang-ayon ang iilan sa kanilang opinion patungkol sa pamilyang Marcos, ngunit ang kanilang pagpupugay sa mga Marcoses ay base sa kanilang nasaksihan na kabutihan at pagiging makabayan ng prominenteng pamilya.

At kahit na naninirahan na sila sa Amerika, makakaasa ang administrasyon sa suporta at tulong na ipinaabot nito sa mga kababayan natin sa Pilipinas.

Anila, malayo man sila sa Pilipinas, makakaasa ang bagong administrasyon sa taos pusong suporta nila sa mga kababayan sa Pilipinas at maging sa Amerika.

Follow SMNI NEWS in Twitter