Mga dating miyembro ng CTGs sa Samar binigyan ng maayos na tahanan

Mga dating miyembro ng CTGs sa Samar binigyan ng maayos na tahanan

BINIGYAN ng pabahay ang mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) ng Samar na ngayon ay kasangga na ng gobyerno laban sa natitirang miyembro ng na CPP-NPA-NDF.

Ang nasabing programa ay tinawag na “Saad nga Balay” na ginanap sa San Jose de Buan, Samar na kung saan pinondohan ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar ng aabot sa P4-M.

Sa ngayon, 10 bahay na ang natapos habang patuloy na binubuo ang natitirang pitong bahay.

Dumalo sa naturang seremonya sina Sen. Robinhood Padilla, Commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na si MGen. Camilo Ligayo, lider ng mga dating rebelde na si Tito Labong at mga opisyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Samar.

Ang programang “Saad nga Balay” ay naglalayong suportahan ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maayos na tirahan upang magbigay-daan sa kanila na simulan muli ang kanilang buhay matapos sumuko sa pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble