Mga dating miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid at Alyangsang Magbubukid, nagbalik-loob sa pamahalaan

Mga dating miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid at Alyangsang Magbubukid, nagbalik-loob sa pamahalaan

PATULOY ang tagumpay ng pamahalaan katuwang ang Philippine National Police at Regional Task Force-ELCAC kasunod ng pagsuko ng halos dalawampung dating miyembro ng makakaliwang grupo sa ilalim ng paksiyon na kilusan ng magbubukid sa Pilipinas.

Labing lima rito ay dating kaanib ng Liga ng Manggagawang Bukid habang dalawa naman ay galing sa Alyansang Magbubukid sa gitnang Luzon.

Ginawa ang seremonya sa Brgy. Bunol, Guimba, Nueva Ecija katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company at Nueva Ecija Police Provincial Office.

Kasama sa kanilang pagsuko ang ilang mga armas at pampasabog.

Halos iisa ang naging rason ng kanilang pagsuko ang matuldukan na ang kanilang paghihirap mula sa mga pangako ng kanilang mga pinuno na hindi natupad para sa kanila.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director PBGen. Redrico Maranan, bukas ang gobyerno para sa pagbabago na minsan nang nalihis ng landas dahil sa maling paniniwala at katwiran.

“Ang mga boluntaryong pagbabalik-loob na ito ay patunay ng tagumpay ng ating pinagsamang pagsisikap na tuldukan ang insurgency. Patuloy nating susuportahan ang mga nais magbagong-buhay at muling maging bahagi ng ating lipunan. Ang PRO3 ay mananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating rehiyon,” ayon kay PBGen. Redrico Maranan.

Patuloy namang hinihinkayat ng mga awtoridad ang mga natitira pang miyembro ng mga kilusan na sumuko ang mga ito para sa tuluy-tuloy na rehabilitasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble