Mga dating rebelde, sinunog ang bandila at dineklarang persona non grata ang NPA

NANGAKO ng katapatan sa pamahalaan ang 25 na mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na may operasyon sa North Cotabato.

Ito’y matapos itinakwil ng mga dating rebelde ang kanilang pagiging miyembro ng komunistang grupo.

Sinaksihan ng kanilang mga kamag-anak at ng 1,000 residente ng Barangay Luz sa bayan ng M’lang sa nasabing probinsiya ang kanilang oath taking.

Ayon kay M’lang Mayor Russel Abonado, boluntaryong nagdeklara ng ‘persona non grata’ ang mga opisyal ng barangay at dating mga tagasuporta ng komunistang grupo.

Aniya, may impluwensya ang mga rebelde noon sa mga barangay ng La Suerte, La Fortuna, Palma Perez, at Luz.

“For that reason, the Army had conducted community support program in these villages to encourage the rebels to surrender and avail of government services,” ayon kay Abonado.

Nagbigay naman ng mga serbisyo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan matapos ang isinagawang pagtakwil ng mga dating rebelde sa komunistang grupo.

Kabilang sa binigay na serbisyo ang kalusugan, pagkuha ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority, Department of Agrarian Reform at ng Land Bank of the Philippines.

SMNI NEWS