Mga dating tagasuporta ng CTGs sa lalawigan ng Quezon nakatanggap ng pangkabuhayan mula sa pamahalaan

Mga dating tagasuporta ng CTGs sa lalawigan ng Quezon nakatanggap ng pangkabuhayan mula sa pamahalaan

NASA 8 dating miyembro ng Milisyang Bayan mula sa bayan ng Macalelon, Quezon ang nabigyan ng Business starter kits na handog ng Department of Trade and Industry (DTI-Quezon).

Kabilang din sa napagkalooban ng kaparehong tulong ang 7 kapamilya ng nasawi at nasugatang CAFGU Active Auxiliary (CAA) sa naganap na ambush sa Tagkawayan.

Ang nasabing bussines starter kit ay nagkakahalaga ng 15,000 na mula sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program ng Department of Trade and Industry (DTI).

Naglalayon itong tulungan na makapag simulang muli ang mga kababayan na minsan nang naligaw ng landas at nalinlang ng maling ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.

Maging ang mga biktima ng armadong pakikibaka ay kabilang din sa mga tinutulungan upang mas mapabilis ang kanilang pag bangon sa buhay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble