Mga dayuhan na papasok sa Pilipinas, sasailalim sa COVID-19 RT-PCR Test

Mga dayuhan na papasok sa Pilipinas, sasailalim sa COVID-19 RT-PCR Test

BONUS OFFER

SASAILALIM sa proseso ang mga dayuhan na papayagan nang pumasok sa Pilipinas simula Agosto 1 ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

 

Isinagawa ang pahayag matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na mayroong long-term visas simula Agosto 1.

 

Ayon kay Roque, kabilang sa dadaanang proseso pagdating sa bansa ang pagsasailalim ng mga ito sa  COVID-19 RT-PCR Test at habang naghihintay ng resulta, sila ay mananatili muna sa quarantine facility.

 

Nilinaw ng tagapasalita na hindi lamang ordinaryong dayuhan ang mga ito, bagkus, kinokonsidera na ng mga ito na tahanan ang Pilipinas at permanenteng residente ng bansa.

 

Nakasaad din sa IATF Resolution No. 56 na dapat mayroong valid at existing visa ang foreign nationals sa pagpasok nila sa bansa, nangangahulugang hindi tatanggapin ang mga new entry visa.

 

Subject din ang mga dayuhang ito sa maximum capacity ng inbound passengers sa port at date of entry ngayong binibigyang prayoridad ang mga nagbabalik na mga overseas Filipinos worker (OFW).

 

Dagdag pa rito, dapat mayroong pre-booked accredited quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing provider ang mga papasok na foreign nationals.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.