IPINAG-utos ng Department of Education (DepEd) na tanggalin na ng mga paaralan sa pader ng kanilang classrooms ang mga visual aid, mga larawan ng national heroes at mga pangulo ng bansa.
Batay ito sa Department of Education Order No. 21 kung saan dapat malinis mula sa iba’t ibang artwork, dekorasyon, tarpaulin at posters ang school grounds at classrooms.
Paliwanag ni DepEd spokesperson Usec. Michael Poa, ipinag-utos mismo ni DepEd Sec. at Vice President Sara Duterte na bakante o malinis mula sa kung anumang idinidikit ang mga pader ng bawat classrooms.
Sinabi aniya ni VP Sara na nakaka-distract lang naman din sa mga mag-aaral ang mga idinidikit.
Maaari namang gumamit ng visual aids gaya ng mga larawan subalit tuwing magtuturo lang.