MATAPOS ang tatlong araw na pagpupulong ay binisita ng mga delegado ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) ang Tagaytay City.
Sa pangunguna ni Sen. Francis Tolentino ay mainit na tinanggap ang mga parliamentarians mula sa Brunei, Canada, Mexico, South Korea, India, Malaysia, at Thailand sa Tagaytay City.
Sa kanilang pagdating ay sinalubong ang mga delegado ng isang cultural na pagtatanghal at kanila ring natikman ang mga delicacy para sa tanghalian sa isang kilalang hotel.
Sinundan ito ng paglilibot sa Tagaytay upang kanilang makita ang mga ipinagmamalaki ng magagandang tanawin.
Ayon naman kay Sen. Tolentino, matagal na nagsilbi bilang alkalde ng Tagaytay, lubos niyang ikinagagalak na maging host para sa cultural tour ng mga delegado.
Maganda rin aniya ito upang maipamalas ang pagiging hospitable ng mga Pilipino sa pamamagitan ng turismo.
Ang APPF 31 na inorganisa ng Senado at Kamara de Representate ng Pilipinas ay nagwakas noong Nobyembre 25 matapos pagtibayin ang 10 resolusyon na sumasaklaw sa matatag na pakikipagtulungan para sa kapayapaan at kaunlaran.