HINDI na idadaan ng United Nations Agency for Palestinian Refugees (UNRWA) ang kanilang delivery ng humanitarian assistance sa main cargo crossing ng Gaza.
Dahilan dito ang banta ng mga armadong gang na nagnanakaw ng mga ayuda mula sa nakaraang mga convoy.
Magkakaroon naman ito ng epekto para sa mga nasa Gaza lalo na’t nararanasan na ng mga nandoon ang malamig at maulan na winter season.
Sa ulat, nagsimula ang mga pang-aatake ng mga armadong gang sa mga humanitarian delivery noong kalagitnaan ng Nobyembre.