Mga depektibong thermal scanner sa mga checkpoint, ipinari-recall ng NCRPO

Mga depektibong thermal scanner sa mga checkpoint, ipinari-recall ng NCRPO

Woodprofit

IPINABABAWI ni NCRPO Chief PBGen. Debold Sinas ang lahat ng depektibong thermal scanner na ginagamit sa lahat ng mga checkpoint sa buong Metro Manila.

 

Ito’y para masiguro na hindi mapipilayan ang kapulisan  sa pagpatutupad ng COVID-19 guidelines sa mga itinakdang border control points.

Kinumpirma ng police official ang pagpalya ng ilang thermal scanner lalo na sa oras ng alas-onse hanggang alas-dose ng tanghali kung saan mainit ang simoy ng hangin dahil sa mataas na sikat ng araw.

 

Kaya naman, bukod sa paggamit nito, naglalagay din ang bawat police stations at quarantine control points ng mga tents para dito dumaan ang mga tao at dito na rin isgagawa ang thermal scanning.

 

Sa kabuuan, naging mapayapa naman ayon sa NCRPO ang unang araw ng pagpapatupad ng MECQ sa Metro Manila.

 

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published.