Mga detention center sa Malaysia, nakaalerto –Immigration Department

Mga detention center sa Malaysia, nakaalerto –Immigration Department

NAKAALERTO ang mga detention center sa Malaysia matapos makatakas ang 500 na mga bilanggo.

Ayon kay Immigration Director-General Datuk Seri Khairul Dzaimee Daud, nakipagugnayan na sila sa mga istasyon ng pulisya upang makahingi ng tulong sakaling muling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

Matatandaang naiulat ang kaguluhan sa isang detention center matapos tumakas ang humigit kumulang na 500 detinado.

Ang mga Rohingyang detinado ay mula sa isang kampo sa Langkawi na nagsara noong nakaraang taon na inilipat sa Sungai Bakap.

Sinabi ni Khairul Dzaimee na naginstall na sila ng grills at naglagay ng mga barbed wire sa paligid ng mga bloke at sa buong lugar.

Ito ay upang mapahusay ang seguridad sa detention center.

Sa ngayon, pinaghahanap pa rin ang 130 detinado habang sampu ang naiulat na nasawi matapos tangkaing tumakas ng mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter