MANANAGOT sa batas ang mga doktor, importer at distributor na nagbigay ng reseta sa mga indibidwal ng hindi rehistradong gamot at bakuna.
Ito ang binigyang diin ni Food and Drug Administration (FDA) Chief Eric Domingo matapos ang dalawang araw na sinabi ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora na nakatanggap siya ng dalawang dose ng bakuna sa Sinopharam noong Disyembre kahit wala pang Emergency Use Authorization (EUA) mula sa DFA.
Ayon kay Domingo walang pananagutan ang nakabili o nabigyan ng substandard, hindi rehistrado, peke o mababang kalidad ng gamot bagkus ang mga doktor, importer at distributor ay mananagot sa batas dahil bawal anya magpasok ng gamot na hindi rehistrado sa FDA.